Traffic Investigation Unit ng PNP, nagbabala sa mga namamasada sa Olongapo gamit ang sasakyang walang prangkisa

Nagbabala ang bagong hepe ng Traffic Investigation Unit laban sa mga namamasada sa olongapo gamit ang mga sasakyang walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at local government.

Ito ay dahil uumpisahan na ng opisina ang mas pinaigting na kampanya kontra colorum na sasakyan sa lungsod kasunod ng pagpapasa ng bagong ordinansa.

Ayon kay Traffic Unit Chief PLTC.Cres Cordero, dumarami na ang colorum sa Olongapo kaya kailangan nang kumilos nang husto ang mga local traffic enforcer katuwang ang pnp para proteksyunan ang mga lehitimong operator at ang mga pasahero.

Bago na-assign sa Olongapo, si Cordero ay minsan nang naging hepe ng Presidential Anti-Kotong and Colorum Task Force.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *