Estudyante patay matapos barilin sa loob ng bahay habang sumasagot ng modules sa Cebu

Patay matapos malapitang pagbabarilin ang 14-anyos na babae sa loob mismo ng kanyang bahay habang sumagsagot ng modules sa Talisay City Cebu.

Ayon sa pulisya, sumasagot ng modules ang Grade 7 na biktima sa loob ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang salarin at banaril ang dalagita na tinamaan sa pisngi.

Isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Sinabi ng mga magulang ng biktima na wala silang alam na kaalitan ng kanyang anak kaya mas lalo pang pinalalaliman ng mga otoridad ang isinasagawang imbestigasyon.

Isa sa mga anggulong susuriin ang umano’y pagkakasangkot ng ilang kaanak ng biktima sa ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *