Trials sa lagundi vs COVID-19, nagpakita ng positibong resulta — DOST

Inihayag ng Department of Science and Technology na nagpakita ng positibong resulta ang trials na isinagawa sa herbal medicine na lagundi bilang gamot laban sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Council for Health Research and Development Director Jaime Montoya, na ang pag-aaral gamit ang lagundi para sa mga pasyente ng COVID-19 na mayroong mild symptoms ay natapos na noong mid-September.

Dagdag ni Montoya, ang lagundi ay mayroong anti-viral properties para sa cough remedy, at sinuri rin kung papaanu ito makakagamot laban sa COVID-19.

Nabatid na ang clinical trials na nilahukan ng 278 pasyente mula sa pitong quarantine facilities.

Nilinaw naman nito na ang herbal medicines ay ikinokonsidera lang bilang adjunctive treatment, at hindi substitute sa standard care para sa COVID-19 patients. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *