Multi-fruit and vegetable juice processing facility, ipinatayo sa loob ng NVAT

Pinondohan nv 52.2 milyon pesos ang Multi-Fruit and Vegetable Juice Processing Facility na ipinatayo sa loob ng the Nueva Vizcaya Agricultural Terminal sa Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ayon sa DA Regional Field Office 2, ang naturang pasilidad ay inaasahang magiging fully operational na ngayong taon.

Inihayag naman ni Regional Executive Director Narciso Edillo na naglaan ang kagawaran ng P40-M mula sa Bayanihan II budget noong 2020 para sa naturang pasilidad.

Bukod dito ay inaasahan ring makukumpleto ang mga kagamitan sa loob ng building hanggang March 2023 kung saan nasa P37 million ang halaga ng mga ito.

Bumuo naman ang DA RFO2 ng technical working group na binubuo ng PLGU Nueva Vizcaya, Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Nueva Vizcaya State University at NVAT na siyang tututok sa operasyon ng naturang pasilidad sa oras na ito’y makumpleto.

Matatandaan na ang NVAT ang pangalawa sa pinakamalaking agricultural terminal sa Northern Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *