Ukraine pinadedeklara ang Russia bilang ‘terrorist country’

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Ukraine Defense Ministry na 70% ng pag-atake ng Russia sa mga payapang lungsod ng kanilang bansa at non-military targets.

Sinabi ni Oleksandr Motuzyanyk na dahil dito, dapat nang ideklara ang Russia na isang terrorist country.

Ayon sa opisyal, ang tanging paraan para matigil ang missile terror ay ang pagsira sa missile na pinakakawalan ng Russia.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Motuzyanyk na kailangan nila ng modern air defense upang patuloy na mapigilan ang mga missile ng Russia.

Una na kasing napabagsak ng Ukraine ang dalawa sa limang missile na pinakawalan ng Russia. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *