Ukraine President nagpasaring sa UN security council sa isinagawang virtual speech

Kinuwesyon ni Ukraine President Volodymyr Zelensky kung epektibo ba ang United Nations Security Council sa kanyang virtual speech sa UN.

Sinabi ni Zelensky na sa kabila ng “existence” ng UN Security Council, wala pa ring seguridad ang mundo para sa lahat bagamat tinukoy niya ang Russia na tanging guilty party.

Ayon kay Zelensky, makikita ng buong mundo ang ginagawa ng Russia at sila na ang huhusga.

Muli namang iginiit ni Zelensky ang pagtanggal ng UN Security Council sa Russia.

Binigyang diin ng Ukrainian President ang bagong sanction sa Russia dahil sa ginawang massacre ng Russian forces sa maraming sibilyan sa bayan ng Bucha.

Una nang kinumpirma ng Ukraine at maging ng mga nakaligtas na residente sa Bucha ang brutal na pagpatay sa mga inosenteng sibilyan sa nasabing bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *