Unang local infection sa Sydney, naitala matapos ang mahigit 1 buwan

Naiulat sa New South Wales, ang pinakamataong state sa Australia, ang kauna-unahan nitong local infectionย  matapos ang mahigit isang buwan noong Miyerkules.

Sinabi ng state health ministry na isang lalaki na nasa kanyang 50s, na walang link sa anuman hotels na ginamit bilang quarantine facility ng mga tao na galing overseas, ang nagpositibo sa COVID-19.

Inihayag rin sa ulat ng ministry na nakabisita ang lalaki sa maraming lugar sa eastern suburbs ng Sydney, na pinakamalaking siyudad ng Australia.

Ipinunto rin ng health authorities sa Australia na makokosidera ang pasyente bilang infectious mula pa noong April 30.

Mababatid na dahil sa mahigpit na approach ng Australia laban sa COVID-19 tulad ng snap lockdowns, border controls, at mabilis na contact tracing ay nagawa nito na panatilihin ang kabuoang bilang ng infections nito sa mahigit 29,800 lamang kabilang na ang 910 na nasawi mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *