Unang Rotation and Resupply mission sa WPS ngayong taon, naging matagumpay

Matagumpay ang isinagawang Rotation and Resupply mission ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea mula January 3 hanggang January 9.

Ayon sa PCG, ligtas na nakarating ang BRP Cabra at BRP Sindangan sa Port of Buliluyan sa Bataraza, Palawan matapos ang paghahatid ng mga pangunahing supplies sa mga tauhan ng Coast Guard na nakatalaga sa Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Island sa Kalayaan Island Group.

Sinabi ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, sasailalim sa pagsasaayos ang mga pasilidad ng PCG sa nasabing isla ngayong taon.

Gagamitin aniya ang karagdagang pondo ng PCG ngayong 2024 para sa pagtatayo ng mga imprastraktura para mas palakasin ang pagrespunde at kakayahang mag monitor sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *