US Embassy, kinumpirma ang paglilipat ng clean fuel mula Hawaii

Kinumpirma ng US Embassy ngayong araw na isang commercial tanker na Yosemite Trader ang nasa bisinidad ng Subic Bay para maglipat ng clean fuel mula sa Pearl Harbor, Hawaii patungo sa kanilang local storage facility sa Subic.

Sa pahayag mula sa US Embassy, isa umano ito sa multiple shipments ng ligtas at malinis na langis mula sa kanilang Red Hill facility patungo sa ibang Pacific locations.

Ang lahat umano ng arrangements para sa transfer at storage ng langis ay dumaan sa tamang proseso sa pamamagitan ng establisehed logistic contracts sa mga commercial entities sa Pilipinas.

Nauna nang pinagpapaliwanag ni Senator Imee Marcos ang Department of National Defenese at Armed Forces of the Philippines sa paglipat ng 39 milyong galon ng langis ng U.S. Navy mula sa Pearl Harbor patungong Subic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *