US nag-alok ng tulong sa PH para sa pagtukoy sa identity ng ilan sa mga C130 plane crash victims

Nag-alok ang United States ng tulong sa Pilipinas para sa pagresponde sa July 4 military plane crash sa Sulu, kabilang na ang pagtukoy sa mga biktima.

Ginawa ni US Defense Secretary Lloyd Austin III ang pag-volunteer nang tumawag ito kay Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Una nang nagpaabot rin ng pakikiramay si Secretary Austin sa Pilipinas at sa pamilya ng mga nasawing sundalo dahil sa trahedya.

Sa ngayon nasa 53 na ang death toll sa insidente, kung saan 50 rito ay mga sundalo habang tatlo ang mga sibilyan.

Ayon sa AFP, may mga pangalan na sila ng fatalities, pero nasa proseso parin sila ng pagtukoy sa kanilang mga bangkay.// MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.