Utilization rate ng COVID-19 beds sa Bicol, nasa 3% na lamang

BNFM BICOL— Dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon, inanunsiyo ng Department of Health na 3% na lamang ang utilization rate ng COVID-19 beds sa buong Bicol.

Ayon sa ahensya, mula sa 158 na COVID-19 beds sa Bicol Medical Center sa Naga City, apat na lang sa mga ito ang okupado o ginagamit.

Isa mula sa 36 na mga COVID beds sa Bicol Geriatric Medical Center sa Camarines Sur ang okupado habang anim naman ang ginagamit sa BRTTH sa Legazpi City.

Samantala, 36 na mga COVID beds ang bakante ngayon sa lalawigan ng Masbate; 102 sa Naga City habang lima naman ang bakante sa lalawigan ng Sorsogon.

Matatandaang mag i-ilang linggo nang mababa ang mga naitatalang kaso ng sakit sa rehiyon, kung saan hindi na halos tumataas sa lima ang mga nairerehistrong bagong kaso bawat araw.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *