Vaccination ng minors, magsisimula sa mga may edad 14-17

Inanunsyo ng National Task Force against COVID-19 na sisimulan na ng gobyerno ang pagpapabakuna ng mga teenager na 14-17 anyos na may comorbidities at pati na rin ng mga kabataan na may mga magulang na healthcare workers.

Ipinunto ng task force na gagawin ang pilot ng vaccination para sa mga menor-de-edad sa limang ospital sa Metro Manila na may spesyalisasyon sa comorbidities kabilang na sa Philippine General Hospital, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center at National Kidney and Transplant Institute.

Inihayag ni NTF policy chief implementer Carlito Galvez Jr. na magiging mabagal, maingat, at calibrated ang inokulasyon ng pediatric at adolescent population.

Ipinunto ni Galvez na oobserbahan muna nila ang flow ng vaccination bago ito i-expand sa iba’t-ibang mga lungsod sa Metro Manila tulad ng ginawa nila noong Marso.

Mababatid na sinabi ito ni Galvez kasabay ng pagdating ng mahigit 1.2-million doses ng Moderna vaccine, na mula sa donasyon ng COVAX Facility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *