Vaccination sa mga essential workers, indigents, limitado muna sa ‘NCR + 8’

Tutok sa “NCR + 8” o Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, at mga probinsya mula sa Calabarzon at Central Luzon, ang pagbabakuna sa mga essenstial workers at indigents sa susunod na buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang naturang mga lugar ang may mataas na mga kaso ng COVID-19.

Una nang inanunsyo ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang mga essential workers at indigents mula sa A4 at A5 priority sectors, ay mauunang mabakunahan sa Hunyo, sa oras na maging stable na ang supaly ng bakuna.

Batay sa datos mula sa National Economic and Development Authority, mayroong 12.8 million essential workers at 16 million indigents sa bansa.

Dagdag ni Cabotaje, ang vaccination sa A4 at A5 groups ay simultaneous na gagawin ang inoculation kasama ang mga health workers, senior citizens, at persons with comorbidities. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *