COVID active cases, halos 50K na pinakamababa sa loob ng 2 buwan

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,700 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan para tumaas ang kabuoang datos sa 1,159,071.

Hindi naman kasama sa resulta ang datos mula sa pitong laboratoryo na bigong magsumite ng report on time.

Ayon sa DOH, bumaba rin ang bilang ng mga active cases sa 49,951, kung saan ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ang bansa ng less than 50,000 active cases, simula noong March 11.

Samantala, ang total recoveries naman ay tumaas sa 1,089,613, matapos gumaling ang 6,986 pang pasyente, habang 136 naman ang naidagdag na mga bagong fatalities, dahilan para dumami pa ang death toll sa 19,507. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *