Vaccination site para sa mga kabataan sa Olongapo, bubuksan

Magbubukas ng isa pang vaccination site ang Olongapo para sa mga kabataang babakunahan kontra corona virus disease.

Ito ay sa oras na matanggap na ang utos mula sa Department of Health na bakunahan na ang mga edad dose hanggang 17-anyos.

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, ikinokonsiderang vulnerable o madaling mahawa ng covid-19 ang mga kabataan kaya dapat na ihiwalay ng vaccination site nang di kasama ang mga adult.

Matatandaan, anim na vaccination sites ang inihanda noon ng local inter-agency task force habang dalawa pa lang sa mga ito ang nabubuksan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of text that says 'BARLEY POWDER MANGOSTEEN in Blena atteE MιX MAXAN Mangosteen MAXAN Xanthone 20gx Sachets AGARICUS MALUNGGAY POWDER GRAPE GRAPESED SEED MAXAN Mangosteen Xanthone Shop now! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *