Vaccine passes maaari kung maabot na ang herd immunity – President’l Adviser

Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na maaring ikonsidera ang pamimigay ng vaccine passes sa oras na makamit ng NCR Plus region ang herd immunity.

Subalit sa ngayon sinabi ni Concepcion na ang kailangan muna ay planuhin kung ano ang mga nararapat gawin sa ‘new normal’.

Kumpiyansa ang opisyal na bagao matapos ang taon ay makakamit ng NCR na may 24 million na populasyon, ang herd immunity lalot nagpapatuloy na ang pagdating ng mga bakuna.

Kapag nakuha na ang herd immunity sinabi ni Concepcion na kailangan bumalangkas ang pamahalaan ng bagong estratehiya.

Ang vaccine passes ay ibibigay sa indibidwal bilang patunay na siya ay naturukan na COVID-19 vaccine.

Sinabi naman ng opisyal na ang pagbibigay ng ganitong passes ay makapagbibigay sa mga nabakunahan ng moblity at makabalik sa normal na mga aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.