Vendors sa bayan ng Bulan, pinulong kaugnay sa pagsisimula ng night market

Mga patakaran na nakapaloob sa Municipal Ordinance No. 2023-3 o Night Market Ordinance of the Municipality of Bulan ang naging pangunahing paksa sa isinagawang pulong sa pagitan ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) sa pamumuno ni Fiel Gerero at ng mga magtitinda sa gagawing Night Market sa nasabing bayan. 

Kabilang sa tinalakay ang mga requirements na kailangang i-comply ng nasabing mga magtitinda kabilang na ang Barangay Clearance, Cedula at Health Certificate para sa mga magtitinda ng pagkain.

Kailangan din na magrehistro ang mga ito sa opisina ng LEDIPO kung saan sa kasalukuyan ay mayroon nang 59 na mga vendor ang nakarehistro dito.

Magiging pwesto naman ng nasabing Night Market na magsisimula na sa Hulyo 21, at bubuksan kada  Biyernes at Sabado sa oras na alas 5 san hapon hanggang alas 12 san gabi ang N. Roque Street, Barangay Zone 4 sa tapat ng Bulan Freedom Park.

Mababatid na layon ng nasabing night market na matulungan ang mga vendors sa bayan na magkaroon ng karagdagang kita at at makaakit ng mga turista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *