Villar, nasabon ang FTI chief dahil sa kanyang ‘leave’ excuse at P537 na kilo ng mga biniling sibuyas

Nasabon ni Senator Cynthia Villar si Food Terminal Incorporated (FTI) President Robert Tan, matapos sabihin ng huli na on leave siya nang bumili ang government-owned and controlled corporation ng mga sibuyas na ibenenta sa Kadiwa stores sa P537 kada kilo.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa tumataas na presyo ng sibuyas, kinuwestiyon ni Villar ang pagbili ng FTI ng mataas na presyo kumpara sa inaalok ng mga magsasaka na P200 per kilo lang.

Paliwanag ni Tan, nagkaroon ng pulong noong December 20 para talakayin kung paanu mai-stabilize ang presyo ng sibuyas, maging ang proyekto ni president Ferdinand Marcos Jr. na magbenta sa mga Kadiwa stores ng mga sibuyas na P170 per kilo.

Sa natruang pulong, sinabi ni Tan na walang price range na tinalakay at sinabihan lang umano sila na may P14 million na ibibigay sa kanila.

Pero paghuhugas ng kamay ng FTI president, wala siyang alam sa selection at quotation kaugnay dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *