COVID-19 cases sa lalawigan ng Albay, bumaba sa 10

LEGAZPI CITY – Bumaba sa sampu ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay kahapon batay sa tala ng Albay Provincial Health Office (PHO).

Sa datos nito, nakapagtala ng tatlong karagdagang kaso ng nasabing sakit ang Daraga; dalawa sa Legazpi City; habang parehong tig-iisa sa Bacacay, Guinobatan, Ligao City, Tabaco City, at Polangui.

Dalawa sa mga ito ang naka-admit sa ospital, isa ang sa ngayo’y inaalam pa ang status, habang ang mga natitira ay kasalukuyang naka-quarantine.

Sa kaparehong datos, walo sa mga ito ang bakunado na; isa ay hindi, habang ang isa naman ay bineberipika pa.

Paalala ng PHO, patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan ang pagkalat at ang malalang sintomas ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *