Warriors kumakatok na sa NBA finals

Isang panalo ang kailangan ng Golden State Warriors para makabalik sa NBA Finals.
Ito ay matapos na muling patikimin ng kabiguan ang Dallas Mavericks sa Game 3 ng West semis, 109-100.
Bumida sa panalo ng Golden State ang double-double performance nina Stephen Curry (31 points, 11 assists) at Andrew Wiggins (27 points, 11 rebounds).
Bagama’t humakot ng 40 points at 11 assists si Luka Doncic para sa Mavs bigo pa rin ang mga pagtatangka nitong makadikit sa Warriors.
Dahil sa pagkatalo nabaon sa 0-3 ang Dallas at nahaharap sa do-or-die sa Game 4 na gaganapin sa kanilang home court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *