WESTMINCOM, patuloy ang operasyon sa mga natitirang miyembro ng BIFF

Patuloy ang operasyon ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) sa mga natitirang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.

Ito’y kasunod ng pagkamatay ng training officer nito sa engkwentro sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ayon kay WESTMINCOM Chief, Lt. Gen. William Gonzales, nagsasagawa ng military operations ang 1st Brigade Combat Team ng maka engkwetro ang mga pinaniniwalaang miyembro ng BIFF nitong March 22.

Natagpuan sa masukal na bahagi ng encounter site ang sugatang bangkay ni Abu Halil.

Narecover din sa lugar ang isang 5.56 riffle at 4 na magazines nito.

Samantala, walong miyembro ng Daulah Islamiyah-Turaifie Group at 7 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction ang sumuko naman sa WESTMINCOM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *