WHO binigyan na ng EUA ang Sinopharm vaccine ng China

Binigyan na ng World Health Organization ng otorisasyon para sa emergency use ang Sinopharm vaccine ng China.

Dahil dito, ang Sinopharm ang pang-anim na bakuna na nakakuha ng WHO validation for safety, efficacy at quality.

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhamon Ghebreyesus, panibagong bakuna na maaaring mabili ng COVAX ang Sinopharm para makapagbigay ng pantay na global access sa COVID-19 vaccines.

Makakatulong din aniya ito para magbigay ng kapanatagan sa mga bansa na mapabilis ang kanilang sariling regulatory approval at imports.

Nauna nang nabigayn ng emergency use authorization ng WHO ang mga bakunang gawa ng Pfizer/BioNTech, AstraZeneca-SK Bio, Serum Institute of India, Janssen at Moderna. (LEO NAVARRO – MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published.