Year-end bonus, cash gift ng mga capitol employees ibibigay na

KORONADAL CITY- IBIBIGAY na simula November 15 ang year-end bonus at cash gift ng mga kwalipikadong empleyado ng provincial government.

Inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na obligado ang probinsya na magbigay nito batay sa guidelines ng Department of Budget and Management o DBM. Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang sahod ng empleyado habang P 5,000 naman ang cash gift.

Ang ibang mga bonuses ayon sa gobernador ay depende naman kung magkano ang natipid ng iba’t ibang mga opisina sa kapitolyo habang ang Performance Based Bonus (PBB) ay depende sa resulta ng Seal of Good Local Governance o SGLG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *