₱765K halaga ng droga, nasamsam sa Calamba, Laguna

Arestado ang dalawang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Halang, Calamba City, Laguna.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang mga suspek na sina alyas ‘Bok’ at alyas ‘Omelya’, pawang mga High Value Individual (HVI) at residente ng nabanggit na barangay.

Naaresto ang mga ito matapos magsabwatan sa pagbebenta ng hinihinalang iligal na droga sa pulis na nagkunwaring buyer.

Nasamsam sa mga ito ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 1.25 gramo at tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 111.25 gramo.

Sa kabuuan ay umabot sa tinatayang Php765,500.00 ang halaga na nasamsam na droga sa mga suspek.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Samantala, ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinumite na sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *