𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗔𝗚𝗘 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗨𝗡𝗜𝗧 𝟮, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Opisyal nang binuksan ang bagong storage building ng Regional Civil Security Unit 2 (RCSU2) CCSDAF na nagkakahalaga ng P598, 385.90.

Ito ay matapos isagawa ang turn-over, blessing, at inauguration sa Police Regional Office 2, kahapon, ika-18 ng Hulyo.

Dumalo sa aktibidad ang Acting Director ng Civil Security Group (CSG) na si PBGen. Benjamin H. Silo Jr. kung saan pinuri niya ang mga tauhan ng RCSU2 sa kanilang inisyatiba sa proyektong ito.

Tiniyak naman nito na lahat ng magiging programa ng nasabing ahensiya ay kanilang susuportahan alinsunod sa mission at vision ng CSG.

Magsilbing inspirasyon aniya ang pagpapatayo ng gusali upang lumakas pa ang kanilang pakikipagtulungan sa mga taong-bayan.

Ang RCSU2 CCSDAF Storage ay naipatayo sa ilalim ng Facility Development program ng kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *