β€œπ—‘π—”π—‘π—šπ—šπ—œπ—šπ—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—œπ—•π—˜π—Ÿπ—”, 𝗔𝗬𝗔π—ͺ π—‘π—œπ—¬π—”π—‘π—š π—•π—œπ—§π—”π—ͺ𝗔𝗑 𝗔𝗧 π— π—”π—•π—”π—•π—”π—‘π—šπ—šπ—” 𝗑𝗔 π—žπ—”π— π—œ, π—‘π—”π—šπ——π—˜π—–π—œπ——π—˜ π—”π—žπ—’ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—£π—”π——π—˜π—₯ π—žπ—’ π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—œπ—•π—”π—‘π—šπ—šπ—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π— π—”π—•π—”π—‘π—šπ—šπ—” 𝗑𝗔 𝗧𝗔𝗒 𝗔𝗧 π—¦π—”π—¦π—”π—žπ—¬π—”π—‘.” 𝗣𝗦𝗠𝗦 π—₯π—’π—Ÿπ—”π—‘π—— π—šπ—”π—–π—”π—Ÿ

Buong tapang na inagaw ng isang pulis ang manibela ng pampasaherong bus na Victory Liner matapos atakihin sa sakit na highblood sa kalagitnaan ng biyahe ang tsuper nito.

Ang pulis ay kinilalang si PSMS. Roland Gacal, 38 anyos mula sa bayan ng San Isidro Isabela at nakatalaga sa Dinapigue PNP.

Nangyari ang aksidente kaninang umaga, February 8, 2023 sa Libag Sur Tuguegarao City.

Sa ekslusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PSMS Gacal, bakante ang upuan sa likuran ng driver kayat doon na lamang umupo dahil malapit na rin siya sa kanyang destinasiyon.

Ilang sandali pa, napansin ng pulis na habang nagmamaneho ang tsuper ng bus ay nanginginig ang mga kamay nito at biglang nanigas ang katawan hanggang sa tumingala na at bumubula ang kanyang bibig.

Dahil sa nangyari, pabangga na ang bus sa mga makakasalubong na sasakyan kayat sumigaw ang inspector sa takot pero hindi hinawi ang manibela kundi tumakbo ito sa likod.

Dahil dito, mabilis nitong hinawi ang manibela subalit ang masaklap aniya ay nakaapak parin ang paa ng tsuper sa silinyador kayat hindi niya maihinto ang sasakyan at hindi rin nito mahanapan ang handbreak.

Sa takot na makabangga ng mga makakasalubong na sasakyan at tao, hinayaan nalang nito ang bus na doon na lang sa pader bumangga upang walang masakripisyo na buhay.

Gusto na rin aniya sanang tumakbo sa likod dahil sa pag-aakalang mamatay na ito subalit minabuti nalang na isiksik ang katawan sa pagitan ng mga upuan.

Matapos ang mga pangyayari, binasag ang harapan ng bus upang makalabas ang mga pasahero kasama ang driver.

Sinabi rin ni PSMS Gacal na ayon sa alternate driver ng bus ay may sakit na highblood ang tsuper.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *