𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿ π—¦π—¨π—£π—£π—Ÿπ—œπ—˜π—¦ 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Tumaas ang presyo ng mga school supplies sa palengke ng Cauayan City, Isabela habang papalapit ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa isang stall owner na si Lovely Cano, kung ikukumpara aniya ang presyo ng mga supplies ngayon noong mga nagdaang taon ay talagang malaki ang itinaas ng presyo.

Aniya, posible pang umabot sa lima hanggang sampung piso ang itataas ng mga presyo pagsapit ng last minute buying.

Dagdag pa nito, ang dating P20 na ordinary notebook at mga intermediate pad ay nasa P25 na ngayon.

Nasa P15 naman ang mga ballpen na noo’y nasa P12 lang maging ang nga 24 pieces Crayons na dating nasa P65 ay tumaas na rin ng sampung piso.

Pinayuhan naman nito ang mga mamimili na kung maaari ay mas agahan ang pagbili ng mga school supplies hangga’t hindi pa ito tuluyang tumaas.

Sa ngayon, pakonti konti pa lang umano ang mga namimili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *