𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗢𝗢𝗡 𝗘𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟

Nakatanggap ng tulong pinansiyal mula kay Senator Raffy Tulfo ang halos isang libo at limang daang benepisyaryo na naapektuhan sa nagdaang Super Typhoon Egay sa lalawigan ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, isang libong piso ang natanggap ng bawat benepisyaryo.

Sa tulong naman ng mga kawani ng PSWDO at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office katuwang ang Provincial Office for People Empowerment (POPE) ay napuntahan nila ang bawat munisipyo sa lalawigan para ibigay ang cash assistance.

Kaugnay nito, kabilang sa mga bayan na nabahagian ng tulong ay ang bayan ng Rixal na mayroong 191 recipients; bayan ng Sto. Niño na may 350 recipients; 294 naman sa bayan ng Piat; 346 sa bayan ng Enrile; at mayroong 296 total recipients sa bayan ng Iguig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *