1, 497 food packs ibinigay ng DSWD sa bayan ng Mercedes para sa project Amihanon ng LGU

CAMARINES NORTE- Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa 1, 497 food packs sa Lokal na Pamahalaang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa LGU, paunang alokasyon pa lang ito na ibinigay ng DSWD Regional Office sa pamamagitan ni Regional Director Norman Laurio para sa  food for Work program.

May kaugnayan ito  sa Amihanon Project ng naturang LGU at nakalaan ang food packs sa sampung barangay na benepisyaryo  ng programa.

Nagpasalamat naman si Mayor Alexander Pajarillo sa DSWD dahil malaking tulong umano ang mga ibinigay na food packs ngayong panahon ng amihan.

Mababatid na pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Mercedeños at kapag ganitong amihan season ay apektado ang kanilang hanapbuhay dahil sa mga bagyo at sama ng panahon.

Bunsod nito ay hindi makapaghanapbuhay ng maayos ang mga mangingisda.

Matatandaan naman na una na ring nagpaalala ang Alkalde sa mga mangingisda na maging mapagmatyag sa lagay ng panahon at makinig sa abiso ng mga kinauukulan.

Hinimok din nito ang mga mangingisda na kung papalaot ay magpaalam at magpatala muna sa barangay.

Ito ay upang madaling ma- locate sakaling magkaroon ng aberya.

Bukod dito mayroon ding makukuhang cash assistance sa Office of Civil Defense ang pamilya ng mangingisda sakaling may mangyari.

Photo Courtesy: Zaldy Efondo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *