10, 720 doses ng CoronaVac na para sa mga probinsya sa mainland Bicol, dumating sa lungsod ng Legazpi

BNFM BICOL—Kabuuang 10,720 na panibagong doses ng Coronavac vaccines ang dumating ngayong araw sa DOH-CHD Bicol sa lungsod ng Legazpi mula Maynila.

Ang mga bakunang ito ay nakalaan para sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte habang direkta nang idedeliver mula Maynila ang para sa mga islang lalawigan ng Masbate at Catanduanes.

Ayon sa DOH, 1,940 doses nito ay para sa Albay; 400 doses sa Camarines Norte; 4,780 doses sa Camarines Sur at 3,600 doses sa Sorsogon na nakalaan para sa 1st at second dose.

Sa Hunyo 11 ay nakatakda namang dumating sa Catanduanes ang 2,320 doses ng Coronavac at sa Hunyo 13 ay 15,760 doses ang inaasahang maidedeliver din sa Masbate.

Pero nilinaw ng ahensya na ang mga ito ay tentative schedule at maaari pang magbago.

Sa kabuuan, mayroong panibagong 28,800 doses ng Coronvac ang inaasahang maihahatid sa Bicol region ngayong linggo.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *