11-anyos na bata sa CamSur patay nang mabangga ng L300 van habang tumatawid sa kalsada

NAGA CITY—Dead on the spot ang 11-anyos na batang lalaki matapos mabangga ng L300 van sa Baao, Camarines Sur.

Batay sa ulat ng Baao MPS, dakong alas-4:46 ng hapon habang binabaybay ng Mitsubishi L300 Van ang kahabaan ng Maharlika Highway sa sakop ng Barangay Agdangan,  nang mabangga ang hindi na pinangalanan pang menor de edad na nooy tumatawid ng kalsada.

Sa bilis ng pangyayari at lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa sementadong daan ang lalaking menor na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Kusang loob namang sumuko ang driver ng sasakyan na kinilalang si Michael Jay Clidoro y Reyes, 40-anyos, may asawa, residente ng Barangay New Moriones, Ocampo parehong lalawigan.

Mahaharap ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PSMS Marvin Sanchez ng Baao PNP na tumawid ang bata dahil may bibilhin sana.

Paalala nito sa mga magulang at guardians na huwag hahayaang tumawid ng mag isa ang mga bata lalo pa sa National Highway.

Leave a Reply

Your email address will not be published.