11 armadong suspek sa harassment sa Castilla, Sorsogon pinangalanan na

SORSOGON CITY – Pinalabas na ng Sorsogon Police Provincial Office ang mga pangalan ng 11 suspek sa na nangharas sa Brgy Macalaya sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang mga ito na sina Christopher B. Juntanar, 45-anyos; Danilo M. Balyano Jr., 40-anyos;  Isidro L. Breches, 39-anyos; Ormon L. Rebueno, 55-anyos, umano’y pinsang buo ng isang kandidato sa pagka-alkalde ng Castilla; Anthony V. Reyes, 42-anyos;

Ronald L. Lasala, 53-anyos;  Rebueno L. Jesus, 49-anyos; Joselito D. Laroga, 50-anyos; Manuel G. Gaton, 32-anyos; Mike Adrian S. Buaron, 29-anyos  at Reyan G. Larce, 38-anyos.

Karamihan umano sa mga ito ay residente ng Sorsogon. Subalit ayon sa hepe ng Castilla Police na si PMaj Marmay Fartingca, nagsasagawa na sila ng verification kung tunay ngang mga pangalan ito ng mga suspek.

Una rito, hatinggabi ng Mayo 9 ay hinaras ang mga suspek ang mga biktimang sina Melanie Segui, Brgy Treasurer habang binugbog ang mga biktimang sina Christopher Bongais Luna, 47-anyos, Brgy Kagawad, Patrick Navas, SK Chairman at Dione Jasareno Macarilay, 43-anyos, Barangay Tanod.

Ayon pa sa mga biktima kinuha pa ang kanilang mga cell phones at ilang personal na gamit.

Sa ikinasang hot pursuit operations ay nasakote ang behikulong Innova at Montero kung saan lulan ang mga suspek, sa inilatag na chokepoint sa Brgy Burabod ng nasabing bayan.

Nakumpiska sa mga ito ang dalawang M16 rifle, isang sub-machine gun, 7 short firearms, mga magazine at bala, patalim, cell phones at pera na nagkakahalaga ng P129, 806.00.

Mahaharap sa patong-patong na kasong Robbery, paglabag sa RA 10591 na may kaugnayan sa Comelec Gun Ban at Physical Injury ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *