12 new local cases ng Delta variant; Total case ng mutation sa PH, nasa 47 na

Nasa 12 mga bagong kaso ng Delta variant ng Covid-19 ang naitala ng Department o Health (DOH), UP-Philippine Genome Center at UP-National Institute of Health.

Ayon sa DOH, ang 12 bagong kaso ng nasabing variant ay pawang mga local cases, kung saan anim sa mga ito ay mula sa Region 3, dalawa sa CALABARZON, isa sa Region V at tatlo sa National Capital Region.

Ang naturang mga kaso ay recovered o gumaling na mula sa sakit, habang ang outcome naman nito ay patuloy na vina-validate ng mga Regional Health Offices ng DOH.

Dahil dito, pumalo na sa 47 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng covid-19 sa buong bansa.

Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko at sa iba pang ahensya ng pamahalaan na mas higpitan ang mga borders ng bansa upang hindi na tuluyang kumalat pa ang Delta variant ng COVID-19. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *