13 bangkay ng mga migrante,  narekober matapos lumubog ang isang bangka sa Tunisia

KINUMPIRMA ng Tunisian coastguard noong Huwebes na narekober nito ang mga bangkay ng 13 sub-Saharan African migrants at nailigtas ang 25 katao matapos lumubog ang bangka ng mga biktima patungo sa Italy.

Dagdag pa nito napag-alaman na ang trahedya ay nangyari umano sa labas ng Sfax City – ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Tunisia, North Africa at isang departure point para sa mga migrante na naglalayong magtungo sa mga baybayin ng Europa.

Samantala, hindi na sinabi ng mga otoridad kung gaano na kalayo ang bangka mula sa lungsod noong lumubog ito.

Batay sa ulat, ang bilang ng mga namatay at nawawala sa mga baybayin ng North Africa sa unang kalahati ng taon ay tumaas sa humigit kumulang 630 na mas marami pa sa mga naitala noong nakaraang taon.

Magugunitang ang bansa ay nasa ilalim ng paghihigpit mula sa mga bansang Europa upang mapigilan ang malaking bilang ng mga tao na aalis mula sa mga baybayin nito ngunit hindi ito naging banta para sa iba.### HARLIN LUMIBAO, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *