14 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal

Nasa labing-apat na volcanic earthquakes at anim na volcanic tremors ang naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Gayunman, bumaba sa mahigit tatlong libong tonelada ng sulfur dioxide ang lumabas sa crater ng bulkan.

Mahigit sa dalawang libong metro ang itinaas ng plume na napadpad sa timog-kanluran.

Kung ikukumpara ang mga naturang datos nitong nakaraang araw sa nakaraang linggo, masasabi raw na abnormal na naman ang aktibidad ng bulkan ayon sa PHIVOLCS.

Ayon kay Eric Arconado ng Taal Observatory, ang irregularities at inconsistency ng bulkan ay posibleng tumagal pa ng ilang buwan.

Kung kaya aniya, ibig sabihin, hindi pa rin basta-basta pupwedeng ibaba ang alert level ng bulkan.

Samantala, dahil sa nagpapatuloy na degassing, muli na namang namataan ang volcanic smog o vog sa paligid ng lawa at bulkan kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *