15 panibagong kaso at 3 pagkasawi dahil sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ang lalawigan ng 15 na panibagong kaso ayon sa ulat ng DOH Bicol kahapon

Ang mga nagpositibo ay mula sa mga bayan ng Daet na may bilang na 6, tatlo sa Sta. Elena, tig-dalawa sa Vinzons at Jose Panganiban habang ti-isang kaso naman ang naitala sa bayan ng Capalonga at Paracale.

Samantala, nakapagtala rin ang lalawigan ng tatlong pasyenteng nasawi dahil sa sakit na dulot ng COVID-19.

Ang lalawigan ay may kabuuang bilang na 1199 simula noong pandemya, 353 naman ang aktibong kaso at 54 na ang bilang ng mga nasawi

Wala namang naiulat na nakarekober sa lalawigan kung kaya ito ay nanatili sa bilang na 792

Ayon sa DOH, Pataas na ng pataas ang kaso ng mga nag po-positibo at nasasawi dahil sa sakit kaya nararapat lang na palagiang mag-ingat, magsuot ng Face Mask ,Faceshield at mag Hand Sanitizers upang maiwas sa pagkakahawa sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *