150 bagong kaso, 109 recoveries at 3 pagkasawi sa COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Pumalo na sa 21, 634 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 150 na bagong kaso ngayong araw.

60 nito ay mula sa lalawigan ng Masbate kung saan 21 ang naitala sa bayan ng Balud, 21 din sa Masbate City, lima sa bayan ng Uson, apat sa bayan ng Batuan, tatlo sa bayan ng Cawayan, dalawa sa bayan ng Baleno at tig-iisa ang mga bayan ng Cataingan, Mandaon, Milagros at San Fernando.

46 na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Goa, anim sa bayan ng Pili, lima sa bayan ng Baao, tig-apat ang bayan ng Buhi at lungsod ng Naga, tigtatatlo ang mga bayan ng Libmanan, Nabua, San Fernando at lungsod ng Iriga, dalawa sa bayan ng Canaman at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Calabanga, Lupi, Milaor, Pamplona at Siruma.

22 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Mercedes, lima rin sa bayan ng Sta elena, tigtatlo ang bayan ng Daet at Jose Panganiban, dalawa sa bayan ng Labo at tig-iisa ang mga bayan ng San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Talisay at Vinzons.

11 kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan apat nito ay mula sa Sorsogon city habang tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Bulan, Bulusan, Casiguran, Donsol, Juban at Pilar.

Ang lalawigan ng Catanduanes ay nakapagtala ng walong panibagong kaso kung saan tig-apat ang bayan ng Bagamanoc at Pandan.

Ang lalawigan ng Albay ay nakapagtala lamang ng tatlong bagong kaso kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Oas at isa sa bayan ng Tiwi.

Samantala, pumalo na sa 17, 761 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol matapos madagdagan ng 109 na panibagong recoveries. 91 nito ay mula sa lalawigan ng Albay, walo sa Sorsogon, pito sa lungsod ng Naga at tatlo sa Masbate.

Pumalo naman sa 811 ang death toll matapos na magtala ng tatlong panibagong nasawi na pawang mula sa lalawigan ng Albay.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *