155 na bagong kaso, 1 pagkasawi at 11 recoveries sa COVID-19 naitala ngayong araw sa Bicol

BNFM BICOL—Pumalo na sa 8,279 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong 155 na kaso. Patuloy din sa pagtaas ang bilang ng aktibong kaso na ngayon ay pumalo na sa 2,334 o 28.19%.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 87 kung saan 22 nito ay mula sa Naga City, 12 sa bayan ng Nabua, walo sa bayan ng Bula at Calabanga, pito sa lungsod ng Iriga, anim sa bayan ng Libmanan, apat sa bayan ng Pili, tatlo sa bayan ng Pamplona at Baao, tigdadalawa ang mga bayan ng Buhi, Magarao, Minalabac, San Jose at Tinambac at tig-iisa naman ang mga bayan ng Bato, Milaor, Ocampo at Ragay.

Sumunod sa may mataas na kaso ang lalawigan ng Sorsogon na may 29 kung saan 13 nito ay naitala sa bayan ng Matnog, siyam sa lungsod ng Sorsogon, apat sa bayan ng Prieto Diaz, dalawa sa bayan ng Bulan at isa sa bayan ng Bulusan.

19 na bagong kaso naman ang naitala sa Masbate kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Esperanza, apat sa bayan ng Mandaon, tatlo sa Masbate City at bayan ng San Fernando, dalawa sa bayan ng Mobo at tig-isa ang bayan ng Aroroy at Balud.

Siyam na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte. Apat nito ay mula sa bayan ng Labo, dalawa sa bayan ng Paracale, dalawa rin sa bayan ng Talisay at isa sa bayan ng San Vicente.

Anim na bagong kaso ang nadagdag sa Albay kung saan tatlo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at tig-iisa ang mga bayan ng Daraga, Libon at lungsod ng Ligao.

Limang bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Virac at tig-iisa ang mga bayan ng Gigmoto, Panganiban at San Andres.

Isang pagkasawi ang nadagdag na naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya pumalo na sa 288 (3.48%) ang total COVID-19 death toll sa rehiyon.

Samantala, mayroon namang panibagong 11 recoveries na naitala na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon. Bunsod nito, pumalo na sa 5,657 (68.33%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *