16,000 piraso ng crablets o langaw- langaw nasabat ng mga tauhan ng BFAR sa Sta Elena

CAMARINES NORTE- Nasabat ng mga tauhan ng Tabugon Quarantine and Monitoring Station  ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang aabot sa 16, 000 piraso ng crablets o mas kilala sa tawag na langaw- langaw sa Sta Elena, Camarines Norte kamakalawa.

Ayon sa BFAR, ibibiyahe patungong Metro Manila mula sa Daet sa pamamagitan ng pampasaherong bus ang nasa P80. 000 na halaga ng crablets.

Gayunman inabandona ng hindi nabanggit na may ari ang naturang fishery products.

Labag sa Fisheries Administrative Order 264 o ang Regulation on the Catching, Possession, Transporting, Selling, Trading and Exporting of Mangrove Crablets, Juvenile Mangrove Crabs and Gravid Mangrove Crabs ang pagbiyahe nito.

Ayon kay BFAR 5 Regional Director Ariel  Pioquinto sa ilalim ng naturang Administrative Order ay ipinagbabawal sa sinumang personahe, samahan, cooperative partnership o korporasyon ang panghuhuli, pagbiyahe, at pagbebenta ng crablets na mas maliit pa sa 12 centimeters mula sa wild.

Ang pagkakasabat sa naturang bilang at halaga ng crablets ay resulta umano ng intelligence report na natanggap ng mga enforcer ng BFAR.

Naglalaro mula sa P100,000 hanggang P5 milyon ang administrative fine pa lang sa paglabag sa naturang administrative order depende sa socioeconomic impact at seriousness ng paglabag, volume at value ng fisheries product at damage to the environment.

Ang mga nakumpiskang mangrove Juvenille ay dinispose alinsunod sa umiiral na fishery laws, rules and regulations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *