2 Amazona ng NPA, sumurender sa pamahalaan

SORSOGON CITY – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang babaeng miyembro ng New people’s Army sa magkahiwalay na petsa at lugar sa lalawigan ng Masbate.

Unang dumulok sa mga personahe ng Pio V Corpus Police at iba pang operatiba si alias ‘Marita.’

Nabatid na si ‘Marita’ ay aktibong miyembro ng Larangan 2, Komite Probinsyal 4 sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias ‘Ka Manong’ na nakatuon ang operasyon sa ikatlong distrito ng lalawigan.

Bilang kolektor ng rebolusyonaryong buwis, nangongolekta umano siya sa mga politiko at negosyante sa nasabing bayan. Ang ibang nakolektang pera ay inihahatid din niya sa Brgy Tawad at Baras sa bayan ng Esperanza.

Narekrut si ‘Marita’ at tuluyang sumapi sa hukbo noong 2009.

Ang 18-anyos naman na si alias ‘Ka Bea’ ay sumurender sa mga tauhan ng Baleno Police na siyang nagfacilitate katuwang ang 1st PMFC at Intel Units ng Masbate PPO.

Sa salaysay ni Ka Bea, taong 2020 nang siya ay marekrut nina Ka Mark at Ka Ruben, naitalaga siya sa kusina bilang in-charge sa preparasyon ng pagkain ng mga miyembro.

Maliban dito ay nag-aral din siya ng RM o Regulasyong Militar at BKP o Batayang Kursong Pang Partido sa ilalim ng pagtuturo ni Ka Jesmar na siyang Instructor ng kilusan.

Ang dalawang rebel returnee ay kasalukuyang dumadaan sa debriefing at dokumentasyon.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *