2 chainsaw at halos 500 board feet ng Apitong, kumpiskado ng PCSD at PNP

Nasakote sa Joint Operation ng PCSD at Coron Maritime Police 2nd Special Operations Unit ang (2) dalawang chainsaw units at 467.5 board feet na kahoy ng Apitong sa magkaibang operasyon na ikinasa sa bayan ng Coron at Busuanga nitong ika-20 ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Samantala, nagkaroon din ng wildlife rescue operation at umabot sa (7) pitong Southeast Asian Box Turtles ang nailigtas. Agad namang pinakawalan sa tamang tirahan ang mga ito.

Inihain na ang kaso laban sa tatlong (3) mga nasakoteng indibidwal na may kinalaman sa paglabag Ng R.A. 9147 (Wildlife Act), R.A. 9175 (Chainsaw Act), at PD 705 (Forestry Code of the Philippines).

Patuloy naman ang kampaya ng ahensya ng PCSD at Maritime Police na itigil na ang paglabag sa nasabing batas upang maiwasan ang problema sa hinaharap.

Nasa kustodiya na ng Maritime Police 2nd Special Operations Unit ang mga ipinagbabawal na kahoy at chainsaw units.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *