Pagdagsa ng mga dadalaw sa Naga City Public Cemetery pinaghahandaan na; mga lasing babantayan

NAGA CITY – Inaasahan na ng barangay council ng Concepcion Pequeña , Naga City ang libu-libong dadalaw sa Nag City Public Cemetery.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay, Jewelin Regmalos.  Aniya, mapupuno at talagang dadagsain ng mga dadalaw ang pinakamalaking pampublikong sementeryo sa lungsod.

Kaya bilang paghahanda anim na Barangay sa lungsod magpapadala o nag-augment ng mga barangay tanod sa kanila, tulad ng Barangay Del Rosario, Triangulo at ilan pa na tutulong sa kanila na magbantay at magbigay ng seguridad sa mga dadalaw.

Ang malaking hamon at problema nila ngayon ay ang mga dumadalaw o pumapasok na lasing.

Inabisuhan na rin ng Kapitan ang mga Barangay Tanod na huwag papasukin lalo na kung lasing na lasing, dalhin na lamang muna sa outpost nang mahimasmasan saka na lamang papasukin sa loob ng sementeryo.

Ang mga nakahimlay sa Naga city Public Cemetery ay hindi lamang mga residente ng lungsod kundi pati mga kalapit bayan sa Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *