2 pang NPA arestado sa Masbate

SORSOGON CITY – Arestado ang umano’y dalawang kasapi ng New People’s Army sa magkahiwalay na lugar sa Masbate.

Unang naaresto sa Brgy Poblacion 1 sa bayan ng Mobo si Larry Macadat Masamoc alias Ka Arnel, 38-anyos, may asawa, magsasaka at naninirahan sa Brgy Tugawe ng nasabing bayan.

Si Masamoc ay miyembro ng Special Partisan Unit (SPARU) sa ilalim ng pamumuno ni Luding Tolingin alias Daddy, secretary ng Larangan 1, Komite Probinsyal 4.

Ayon sa ulat, hinainan ito ng kanyang warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Fiurearms and Ammunition.

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng RTC Br45 na may itinakdang piyansa na aabot sa P100,000.00.

Samantala, sa bayan naman ng Uson ay hinainan ng kanyang warrant of arrest si Jennifer Ibaṅez Nunez, 45-anyos, may asawa, negosyante, residente ng Brgy San Jose ng nasabing bayan.

Si Nunez umano ay secretary ng Samahang Lokal na Komunidad sa ilalim ng pamumuno ni alias Daddy.

Si Jennifer ay asawa ni Rico Nunez alias Aron/Dods na siya namang commanding officer ng Regional Yunit Gerilya (RYG) ng Bicol Reg’l Party Committee (BRPC).

Hinainan ito ng kanyang warrant of arrest sa kasong multiple attempted murder na may inirekomendang piyansa na P120, 000.00 para sa temporaryong kalayaan nito.

Una nang naaresto sa bayan ng Cawayan si Mariel Canete Suson, isa sa 9 na akusado sa insidente ng pambobomba at pagpatay sa magpinsan na Abasalon sa Brgy Anas, lungsod ng Masbate. Naaresto ito noong Hunyo 22 sa kasong murder. Anak umano ito ng sekretaryo ng Kilusang Larangan Gerilya 2, Komiteng Probninsyal 4 ng Bicol Regl Party Committee (BRPC) na si Rogelio Suson alias Manong/Julio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *