2-plus-2 meeting ng defense at top diplomats ng Pilipinas at Amerika – niluluto sa Marso

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to US Babes Romualdez na inihahanda na ang isang 2-plus-2 meeting sa patigan ng Pilipinas at ng Amerika.

Sabi ng envoy – ‘work in progress’ na ang posibleng meeting nina Defense Sec. Gibo Teodoro, at ang American counterpat nito na si Lloyd Austin; pati na rin si Foreign Affairs Secreary Enrique Manalo at counterpart niyang si US Secretary of State Antony Blinken.

Ayon kay Romualdez – posible itong matuloy sa buwan ng Marso.

Hindi pa naman idinetalye ng envoy kung ano ang agenda ng meeting, at ang mga posibleng lamanin ng mga talakayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *