20-anyos na lalaki sa Iran hinirang na pinakamaliit na tao sa buong mundo

KINILALA ng Guiness World Records ang isang 20 years old na lalaki sa Iran na si Afshin Esmaeil Ghaderzadeh bilang “Shortest Man Living” o pinakamaliit na tao sa buong mundo.

Si Ghaderzadeh ay may tangkad lamang na 2 feet and 1.6 inches at kasalukuyang nasa timbang na 14.3 pounds.

Nasungkit ni Ghaderzadeh ang titulo matapos nyang mabreak ang record ni Edward Hernandez ng Colombia at matuklasang mas maliit pa siya ng 2.7 inches.

Hindi naranasang magkaroon ng kaibigan ni Ghaderzadeh dahil sa kanyang kondisyon, maliit at mahina ang kanyang pangangatawan na dahilan upang tuluyan na siyang huminto sa pag-aaral.

Sa kabila man ng hindi magandang pangyayari sa buhay ni Ghaderzadeh, masaya siya ngayon sa tinatamasa niyang kasikatan dahil sa kanyang Guinness title.

Ngayon umaasa ang binata na sana magbukas ito ng oportunidad para sa kanya at makatulong sa kanyang pamilya.### CZARINA DORONELA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *