20 panibagong kaso, 1 nakarekober at 1 nasawi sa COVID-19 sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Muli na namang sumampa sa 111 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Ito ay matapos na maitala ang 20 panibagong kaso sa ipinalabas na case bulletin ng DOH Bicol para sa petsang May 20, 2021

Ang mga panibagong kaso ay naitala sa mga bayan ng Daet na may 11, habang 6 mula sa bayan ng Paracale, 2 sa Basud at 1 sa San Lorenzo Ruiz

Nadagdagan ng 1 pasyente na gumaling sa sakit kung kayat mayroon na ang lalawigan na 304 total recoveries

Samantala, ang bilang ng pagkasawi ay sumampa na sa 27 matapos na maitalang ang 1 pang pagkasawi nitong araw

Ang Camarines Norte ay mayroon ng 442 na kabuuang kaso ng COVID-19 na naitatala simula noong Marso 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *