200 sakong corals na tangkang ipuslit, nasabat ng mga awtoridad

SORSOGON CITY – Nahaharap na sa kaukulang kaso ang dalawang indibidwal na siyang namahala sa paghahakot ng aabot sa 200 sakong iba’t-ibang uri ng corals matapos na masabat ang mga ito ng mga awtoridad na pinangunahan ng mga awtoridad sa Brgy Dapdap, Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang mga akusado na sina Bernardo Marcaida Musa, 54-anyos, may asawa, truck driver, naninirahan sa Brgy Del Rosario at Alwin Elcano Alcazar, 43-anyos, may asawa, residente ng Brgy Palanas ng parehong bayan.

Ang mga corals umano ay ipapadala sa lalawigan ng Pampanga sa isang hindi pinangalanang consignee.

Nasa pangangalaga na ng BFAR-Bicol ang mga corals habang ang mga akusado ay kasalukuyang nasa detention facility ng Pilar MPS.

Ang police operations ay pinangunahan ng PNP-Pilar katuwang ang Regional Intel Units, Pilar Maritime Police Precinct at ng Municipal Agriculture Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *