23 katao mula sa Malinao Drug Rehabilitation Center nagpositibo sa Covid-19

LEGAZPI CITY – Ito na ang kauna-unahang nakapagtala ang bayan ng Malinao Albay ng record high na 26 ang nagpositibo sa Covid -9.

Ito ang inihayag ni Demsy Alcala, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Malinao sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Alcala, karamihan sa mga naitatalang kaso sa Covid sa kanilang lugar ay isa o dalawa ang nagpopositibo sa bawat linggo.

Aniya, ang 23 na nagpositibo sa naturang sakit ay mula sa Drug Rehabilitation Center ng Malinao, Albay ng Barangay Cotmon habang ang tatlo rito ay closed contact sa dating nagpositibo sa barangay Estancia at iba pang barangay.

Dagdag pa nito, ang mga nagpositibo sa nasabing sakit ay matagal ng nasa rehabilitation center at hindi rin umano ito lumalabas ngĀ  kanilang pasilidad.

Nilinaw din nito na halos patapos na ang mga ito sa pagsasailalim sa self quarantine ngunit dahil sa lumalabas ang resulta ay dinagdagan ito ng 7 days quarantine.

Sinabi ng opisyal, isasailalim rin sa genome sequencing ang mga nagpositibo upang masiguro sila ay negatibo sa sakit na variant.

Ayon pa dito, walang ipapatupad na lockdown sa Barangay Cotmon dahil wala naman sa kanilang residente ang nagpositibo sa covid 19 maliban ang nasa loob ng drug rehabilitation center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *