26 na lugar sa Puerto Galera,  nakitaan ng langis at grasa

Nakitaan ng mataas na antas ng langis at grasa ang 26 na lugar sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Sa isang joint statement, sinabi ng DOH at ng Department of Environment and Natural Resources na siyam lamang sa 35 sampling stations  ang pumasa sa pagsusuri at ipinauubaya na nila sa DOH ang pagdetermina kung ligtas ang mga aktibidad sa lugar.

Ang siyam na lugar na ito ay ang Small Lalaguna at Big Lalaguna Shoreline, Balete, Central Sabang Shoreline, Coco Beach, Batangas Channel, Paniquian, Balatero, at West San Isidro Bay.

Nilinaw ng DOH na ang oil at grease contaminants na nakita sa Puerto Galera ay “not conclusively related to the oil spill” mula sa lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro.

Wala rin bagong ulat ng mga indibidwal na nagkakasakit dahil sa oil slick sa lalawigan.

Pinayuhan na ng kagawaran ang publiko na mag-ingat at iwasan ang pag-inom ng tubig mula sa mga apektadong lugar at kapag nagsasagawa ng water-related occupational at recreational activities.

Iminungkahi din ng departamento na iwasan ang pagkonsumo ng kontaminadong isda, shellfish, at iba pang seafood products mula sa mga apektadong lugar.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *