27-anyos na Ginang inaresto ng CIDG dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong IVERMECTIN at Lian Hua products sa Naga City

NAGA CITY- Hulog sa kamay ng mga otoridad ang 27-anyos na Ginang na nagbebenta ng hindi rehistradong mga gamot umano sa COVID-19.

Isinagawa ang buybust operation sa isang commercial establishment sa San Francisco Naga City ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Camarines Sur laban kay Cecilia Catacutan y Armendi, 27-anyos ng Princeton St., Monterey Village, Concepcion Pequeña, parehong lungsod.

Walang takot na nagbenta si Catacutan ng 200 capsules ng IVERMECTIN at 20 kahon ng  LIAN HUA products sa halagang P16K, ang mga ito ay pinaniniwalaang gamot umano sa COVID-19.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 3720 as amended by RA 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009). Bago ginagawa ang akwal na buy bust operation, dalawang beses nang nag test buy katransakyon naman online ang isang Joel Yao, ang mga nabili ay ipinasuri ng CIDG at napag-alaman sa FDA na ang mga produkto ni Catacutan ay unregistered o hindi rehistrado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *